May mga taong Branded, Tiangge, Imitasyon at Ukay.
Taong Branded
Ang mga taong Branded ay may dalwang klasipikasyon:
Upper branded at Lower branded.
Upper branded- those who can afford. Iyong tipong "effortless" kung makabili ng branded clothes maya't-maya. Pasok ng pasok kung saan-saang shops at boutiques at paglabas ay hindi pwedeng walang bitbit na paperbag.
Lower branded- 'Yung tipong masabi lang na meron siyang branded clothes. Hala sige ipon, ipit ng allowance at todo-todong tipid. Yung pala ay nagiipon para makabili ng branded clothes sa mall. Just to satisfy ego needs na makasabay sa "in".
Taong Tiangge- ganito ako. masayahen ang mga taong ganito, Promise! Hindi nila hiling ang mga centralized aircon, kumikinang na stores at tag prizes. Sanay silang magtanong ng:
"Ate magkano po dito?", "E dito?", "pwede tawad? Dalawa bente naLang ate, sige na, mamamasahe pako oh."
Ang mga babaeng ganito ay hindi mo na kelangang dalhin sa mga classy resto, masaya na siya na mamili kayo ng kung anu-anong kakikayan sa earth!
Taong Imitasyon- bakit ka nga naman bibili ng orig ung makukuha naman sa mababang halaga ang kamukhang-kamukha niya?
"Duplicate copy sa murang halaga"
Sakto lang.. saktong nakakaloko talaga!
Taong Ukay- Masaya rin ang taong ito. Minsan ay ganito rin ako.
Tamang pasensiya ang kailangan, presyong mas mababa pa sa inaasahan. Kapag nakapili na, pakuluan sa tubig na may bayabas, i-downy at paarawan. Presto! Bagong anyo!
Dito nabibilang ang mga damit at kagamitang may kakaibang tatak, tabas at burda. Mamili ka at mag-mix and match! Promise, mabubuhay ka malayo sa kahihiyan.
kahit anong kalaseng damit ka, mahalaga na kaya mong dalhin ang mga napili mong isuot at ikabit sa iyong katawan. Mahalaga na komportable ka sa suot mo, malinis at disente, stylish at may statement, mura man o mahal...dapat ay maging isang presentableng mannequin ka sa mata ng iba. :)
By: Teresa F. Vito
*kiao.
Tuesday, August 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments on "Anong klaseng damit ka?"
Post a Comment